Online Trainings, paano makahanap ng magandang programa?


Due to the Pandemic caused by COVID-19, napilitan ang pamahalaan na ilagay tayo sa Community Qaurantine na kalanuna’y naging Enhanced Community Quarantine. Karamihan sa atin, nalipat ang trabaho sa bahay habang ang ilan naman ay patuloy ang trabaho sa field. Ikinalulungkot natin na ang iba naman ay pansamantalang nawalan ng trabaho.

Ngunit sa panahong ito, nakikita ninyo rin ba ang pagkakataon na lumahok sa mga online trainings o kahit webinar? Sulit ba na salihan ang mga offers na ito?

Bago ang lahat, linawin muna natin ang pagkakaiba ng Webinar at Trainings.

Sa pinakasimpleng paliwanag, ang isang webinar ay isang web-based seminar o online seminar. Katulad sa mga actual na seminar na sinasalihan natin noong wala pang pandemic, ang mga webinars ay kadalasang libre lamang at nagbibigay ng pangkalatang impormasyon sa isang topic o kaya naman ay introduksyon sa isang teknolohiya o produkto. Ilan sa mga layunin nito ay ipaalam sa atin ang purpose, applications, advantages at disadvantages ng mga teknolohiyang may kinalaman sa ating trabaho. Karamihan sa mga webinar ay naka-disenyo upang makumbinse kayong tumuloy sa partikular na training ng produktong pinag-usapan sa webinar. Ang training naman, ay maaring sabihin na serye ng seminars o webinars na kung saan may isang skill o aspekto ng kaalaman na nais ituro at ipaintindi sa atin upang maging bahagi ng ating skillset. Kadalasang may bayad ang mga trainings.

Ngayong alam na natin ang pagkakaiba ng dalawa, ang tanong naman ay sulit ba na sumali sa mga nakikita nating online trainings ngayon?

Kung sa pagiging sulit lang ang usapan, sulit ang online trainings dahil siguradong marami kayong matutunan ngunit ang pangunahing dapat isaalang-alang ang magiging gamit nito sa ating trabaho. Tandaan, non-contact ang training na ito at walang hands-on.

Hindi ba ako lugi kasi wala naming aktwal na experience akong makukuha?

Tutulungan ko kayo humanap ng magandang online trainings. Narito ang ilang praktikal na tips para ma-sulit ang inyong bayad.

1. Alamin ang training na gusto ninyong pasukan.

Simple lamang ito. Kung ang training ay magagamit para sa isang partikular na applikasyon sa iyong trabaho, take it. Kung ang training naman ay mapapaunlad ang iyong kakayanan at magtuturo sa iyo ng bagong kaalaman, take it. Mahalaga, may koneksyon ito sa iyong ginagawa.

2. Mahalaga ang training pre-requisites, huwag itong balewalain.

Madalas ang ganitong pangyayari sa mga trainings na nahawakan ko na.

Okay, gustong-gusto mo makagawa ng program ng Programmable Logic Control (PLC) kaya’t naisipan mong umattend ng PLC training, pero litong-lito ka sa electrical diagram. Dapat ba na salihan mo ang PLC training ito?

We strongly suggest na kapag malinaw na sa inyo ang electrical diagram, saka po kayo kumuha ng PLC class. Ano bang koneksyon ng PLC sa electrical diagram? Tandaan na noong unang ginawa ang PLC, ang layunin ay upang palitan ang hardwired conventional Relay Based system to Electronic based control o PLC. Sa madaling salita, Electrical Ladder to Computer based logic. Sa ganitong pagkakataon, mas maganda na kumuha muna kayo ng basic electrical knowledge at pagkatapos nito, saka po kayo kumuha ng PLC course.

Ito ay isang scenario lamang ngunit nangyayari po sa aktwal hindi lamang sa PLC course kundi sa iba pa. Gamitin ninyo lamang po ang lohika nang pagtingin sa pre-requisuites para maging sulit ang pag-attend ng training.

3. Alamin ang mga Training Materials na makukuha.

Sa tradisyunal na training, ang training materials ay training manual, exercise at hands-on experience sa mga gamit. Sa online training, inyong hanapin ang Training manual o kaya ay course presentation at Demo video. Sa online training, limitado ang hands-on experience kaya’t ang kapalit nito ay ang Demo Video na kung saan, maari ninyong ma-access anytime tuwing kailangan. Sa tradisyunal na seminar kasi, bagama’t mayroong hands-on experience, limitado lamang ito sa bilang ng araw na itatakbo ng training. Pagkatapos ng training, wala ng practice. Kaya’t ang kagandahan kapag may recorded video, maari ninyo itong balik-balikan kahit anong oras na gugustuhin ninyo.

4. Alamin kung may certificate na makukuha.

Ang sertpikasyon ay optional lamang ngunit dapat ay naayon sa nagbigay ng training. Ito kadalasan ang nagpapataas ng presyo ng training. Halimbawa, kung aatend kayo ng online training para sa isang registered partner ng isang automation product, siguradong ang certificate ay may tatak ng kaukulang produkto na inyong inaral. Kung ang training naman na inyong nilahukan ay isang independent body, ito ay generic na certificate lamang.

Kung ang inyong layunin ay opisyal na matuto at kilalanin na may kaalaman sa isang particular na produkto, branded training po ang salihan ninyo ngunit asahan na mas mataas ang presyo nito lalo na at maaring i-konsidera ang certificate na ito sa inyong credentials. Kung ang layunin ninyo naman ay matuto sa inyong sariling kapasidad o personal na desisyon lamang o kaya naman ay kinakailangan ninyo nang matutunan ang isang bagay dahil ginagawa ninyo ito sa trabaho, maari na ang independent online trainings.

How to spot good training programs?

1. Tingnan ninyo ang training outline. Mas detalyado, mas maganda.

2. Tignan ang deliverables. Mayroon ba kayong training materials na maari ninyong i-download gaya ng manuals at videos?

3. Training add-ons. May official group na kayo ay mapapabilangan? O kayanaman ay may download links ba para sa mga software tirals kung may gagamiting software?

4. Price. Maaring sabihin na ang online training ay hindi dapat kasing mahal ng mga traditional trainings.

5. Alamin kung sino ang magiging instructor. Dapat may karanasan at subject matter expert sa particular na topic ang magsasagawa ng training. Alalahanin na non-contact training po ito at video based kaya’t importante na malinaw ang pagkakapaliwanag.

Nakakatuwang isipin na may mga nagtatanong sa Pinoy Instrumentation kung paano makaattaend ng aming trainings. Heto po ang aming sagot, sa ngayon ay ginagawa na ang ilan sa aming independent and practical training packages na siguradong makakatulong sa inyo.

– Admin Ryan –

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *